Ang mga Maranao o Maranaw, ay isang pangunahing pangkat etnikong Pilipinong Muslim na katutubong sa rehiyon sa paligid ng Lanao Lake sa isla ng Mindanao. Kilala sila sa kanilang mga likhang sining, paghabi, kahoy, plastik at metal at epikong panitikan, ang Darangen. Ang mga ito ay etniko at kultura na malapit na nauugnay sa Iranun, at Maguindanao, lahat ng tatlong grupo ay tinutukoy na nagsasalita ng mga wika ng Danao at nagbibigay ng pangalan sa isla ng Mindanao. Nakapangkat sila sa ibang mga Moro dahil sa kanilang ibinahaging relihiyon.
ANG MGA MATERYAL NA KULTURA AT DI MATERYAL NA KULTURA NG MARANAO
MATERYAL NA KULTURA NG MARANAO
Tambol ng Maranao
Ang tambol na ito, na tinatawag ng mga Maranao natabu, ay mula sa inukit na troso. May mga nakalilok na disenyong halaman at bulaklak sa kabuuhan ng katawanng tambol. Ang tatlong suson na patungan ng tambol ay may nakaukit na hugis pako at kianoko (hugis kuko ng kamay). Ang pamatungan ay gawa rin sa inukit na kahoy. Ang ganitong uri ng tambol ay ginagamit sa loob ng mosque at nagsisilbing pangtawag sa mga debotong Muslim na Maranao. Ang tambol na ito ay katangi-tanging koleksyon ng sangay ng Antropolohiya sapagkat sa ngayon, iilan na lamang ang gumagawa ng ganitong klase ng tambol sa dahilang bibihira narin ang mga Maranao na nag-uukit. Ang di-pangkaraniwang laki nito ay bihira naring makita sa mga masque ng Muslim ngayon.
Gandíngan
Ang gandigan ay makitid na gong at may mababaw ang umbok sa gitna. Ito ay apat na gong na nakasabit sa isang estanteng kuwadrado at kasama sa pagtugtog ng pangkat ng kulintang ng mga Maranao. Kapag ginamit sa set ng instrumento, sumasaliw ito bilang ikalawang instrumentong melodiko sa kulintang na pangunahing instrumento. Karaniwang ang gong na may mababang tono ay nasa kaliwang bahagi habang ang may mataas natono ay nasa kanang bahagi ng manunugtog. Tradisyonal na ginagamit ang bronse sa paggawa ng gandingan, ngunit mas karaniwang ginagamit ang brass at iron. Maaari itong magsilbing komunikasyon ng Maranao sa pagpapadala ng mensahe o babala sa malalayong lugar.
Kulintang
Ang kulintang ay grupo ng walong nakahanayat magkakaibang sukat na gong na nakapatong sapahabang kuwadro. Nakatono ang mga ito sa eskalang pentatonic o limang tono. Ang musika ng kulintang ay nakabatay sa tatlong uri ng ritmo: duyug, sinulog, at tidtu. Ang duyug ay ritmong ginagamit sa pagtugtog sa kasal, libangan, at pista. Ang sinulog ay may mas mabagal na ritmo kompara sa duyug. Ang tidtu naman ay binubuo ng di-pantay na kombinasyon ng ritmo, 2:3, at sa ritmong ito makikita ang husay ng manunugtog ng kulintang. Ang sinulog at tidtu ay ginagamit din sa pagtugtog sa paglilibang, sakasalan, at iba pang mga pagdiriwang. Ang tradisyon ng pagtugtog ng kulintang sa Filipinas ay nakasentro sa Mindanao at bahagi ng kultura ng mga Subanon, Mëranaw, Jama Mapun, Magindanaw, Tausug,Yakan, Sama, Bilaan, Tiboli, Ata, at Bagobo.
ANG BAHAY NG MARANAO
Torogan
Ang Torogan ay isang tradisyonal na bahay na itinayo ng mga Maranao sa lalawigan ng Lanao, Mindanao, Pilipinas. Ang torogan ay isang tanda ng mataas na katayuan sa lipunan. Itoay isang noo'y tahanan sa mga Sultano Datu sa pamayanang Maranao. Sa kasalukuyan, mga bahay na yari sa konkreto na ang mahahanap sa mga buong pamayanang Maranao, ngunit may mga natitira pang mga torogan na sandaang taong gulang na. Ito'y mahahanap sa Dayawan at sa lungsod ng Marawi, pati na rin malapit sa lawa ng Lanao.
DISENYO NG MGA MARANAO
Okir
Salitang Maranaw ang okir (may varyant na okkir) para sa ukit at tinatawagding ukkil ng mga Tausug. Tinutukoy nito ang makurba at malantik na mga disenyo sa paglilok ng kahoy, na binabarnisan o pinipintahan sa sari-saring kulay. Nililikha din ang naturang disenyo sa tanso. Pangunahing mga disenyo ng okirang anyo ng sarimanok, naga, at pako rabong. Ang sarimanok ay estilisado ng anyo ng isang ibon na may imahen ng isda sa tuka. Ang naga ay estilisado ng anyo ng mitikong ahas o dragon. Ang pako rabong ay tila abstraksiyon ng sumisibol na pako. Ang mga naturang disenyo ay iniuukit sa panolong, ang nakaungos na tahilan ng sahig ng torogan, gayundin sa iba pang panloob na tahilan at poste.
Mitikong ibon ng mga Mëranaw ang sarimanok at kilalang likha at simbolo ng kanilang sining. May makulay na mga pakpak, balahibo at mahabang buntot ang sarimanok, at nasa mga tuka o kuko ang kagat o saklot na pigura ng isang isda. Madalas na idisenyo bilang pigura sa maadornong okir, sinasabing simbolong suwerte ang sarimanok. Pinaniniwalaang nagmula ito sa maalamat na ibong Mëranaw na tinatawag na itotoro. Ang ibon ay tagapamagitan sa daigdig ng mga espiritu. May paniwala ding nagmula ang sarimanok sa Islamikong alamat. Nakita diumano ni Muhammad ang isang manok sa unang antas ng pitong saray na langit.
KASUOTAN NG MGA MARANAO
Malong
Ang malong ay isang tradisyonal na “tubo palda,”may iba't ibang kulay na telang koton, at iba't ibang disenyong heometriko o okkir. Tinatawag itong “tubo palda” dahil bawat piraso ng damit, lalo na ang nabibili sa kasalukuyan, ay pinutol na tila tubo. Ang malong ay kamag-anak ng sarong ng mga tao sa Malaysia, Brunei, at Indonesia at karaniwang damit ng Muslim sa anyong panabi. Ang malong ay maaaring palda para sa kalalakihan at kababaihan. Bukod sa damit, ginagamit itong kumot, tabing, bedsheet, bihisan, duyan, banig ng panalangin, at iba pang mga layunin. Ang isang bagong panganak ay ibinabalot sa isang malong. Kapag namatay, ibinabalot siya sa isang malong. Ang malong ay ginagamit sa malalaking pista at isinusuot ito upang ipakita ang paggalang. Ang gawang-kamay na malong ay mula sa sinaunang habihan ng Maranaw, Magindanaw, at Tiboli. Ang estilo ng malong ay maaaring magpahiwatig ng panliping pinagmulan ng manghahabi, tulad ng landap ng Maranaw. Ang gawang-kamay na malong ay mahal kaya ang pang-araw-araw at modernong malong ay gawa sa koton at sintetikong sinulid mula sa mga pabrika ng tela.
Payong ng Maranao
PAYONG DIYAKATAN Maranao, Lanao Del Sur ipinakilala ng mga Kastila ang "paraguas" sa Pilipinas, na gumagamit ng mga accessory tulad ng malawak na mga hikaw (turung), salakot, nipa raincoat at kahit na dagdag-malaking dahon ng anahaw para sa proteksyon laban sa mga pag-ulan. Ang karaniwang itim na payong ay karaniwang ginagamit ng mga Pilipino na nagdadala sa kanila sa maliwanag na sikat ng araw o sa mabigat na pagbaba ng ulan. Ang mga kapampangan, mga Tagalog at kahit na ang kanilang mga kapitbahay sa Indonesia ay nagkaroon ng pangalan para sa kontraktwal na ito - "payung" - isang lilim. Down South, ang Muslim royalty ay kumuha ng mga payong at binago ang mga ito samakulay at bejeweled parasols na tinatawag na 'payong-a-diyakatan'. Ang isang seremonyal na payong ginamit ng Maranaos (isang pangkat ng mga taong naninirahan sa Southern bahagi ng Pilipinas) na pinalamutian ng iba't ibang kulay ng mga sequin at kuwintas.
DI MATERYAL NA KULTURA NG MARANAO
Kaugalian
-Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Hinango ang kanilang pangalan sa kahulugan nito na “ranao” dahil sa lawa nila.
Ang lungsod ng Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao. Ilan sa kanilang hanap-buhay ay ang:
1. Pangingisda
2. Pagsasaka kasama na ang ilang pagmimina
3. Paghahabi gamit ang kanilang sinaunang proseso
4.Pagdidisenyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso-ang mga Maranao ay karaniwang mga magsasaka ay may iilang mangingisda. Ang silangang bahagi ng lawa ng Lanao ay mayabong para sa paglilinang ng bigas. Ang mayabong na lupa ang nagdadala ng iba’t ibang uri ng mais, mani, kamote, kape, kalamansi at klase-klaseng uri ng tropical na prutas-sa panliligaw ng mga binatang Maranao ay kailangan pa nila ng tulay o mediator-Adat- ito ay isang batas pangkaugalian na tumutulong sa paghutok ng pagkatao ng mga Maranao.
Pamahalaan
- binubuo ng dalawang distrito-ang pagpataw ng mga multa at iba pang legal na pagbabawal ay saklaw naman ng korte ng AGAMA na pinamamatnugutan ng mga sultan.
Paniniwala
- madalas dalawin ng lindol kaya ang mga bahay dito ay hindi nakabaon sa lupa-mayroon silang isang tradisyunal na paraan sa paghuli ng mga magnanakaw-ang isang paraan nila para mahuli ang magnanakaw ay sa pamamagitan ng paghulog ng isang barya sa isang kalderong may kumukulong tubig upang kunin ang barya. Ang lahat ng suspek ay inaatasang ilubog ang kanilang kamay sa kumukulong tubig upang kunin ang barya. Kung sino ang tanging makakagawa nito ay siya ang sinasabing magnanakaw at pipiliting magsauli ng ninakaw na gamit-hindi ka dapat mag sign of the Cross dahil ito ay kasalanan. Hindi ka din dapat kumain ng tilapiang isda kung may libing kasi may mamamatay sa pamilya mo
Relihiyon o Pananampalataya
-Islam ang paniniwala-sila ang pinakamalaking grupo ng Islam dito sa Pilipinas.
Sining
-Ang impluwensya rin ng mga Hindus at pananampalatayang Islam ay nabakas sa mga lilok na makikita sa mga medya-agua ng kanilang mga tahanan at sa arko ng kanilang vinta-Sarimanok ay impluwensya rin ng mga hindu sa kanilang kultura.
Wika
-Diyalekto ng mga Maranao ay tinatawag ding Maranao-ang wikang Maranao ay isang wikang Awstronesyo na ginagamit ng mga Maranao sa mga lalawigan ng Lanao Del Norte at Lanao Del Sur sa Pilipinas.
Halimbawa: Good morning! – Mapiya kapipita
Welcome! – Bolos ka
Thank you – Madakel a